Monday, October 17, 2016

Bato Bato sa Langit

p/c: Nicanor Evangelista

Bato sa Langit
baybay ng Bato
kinubli ng ulap
Ulan naglamyos

Bato Bato sa Langit
linintikang apo
nagkalat, nagtipon
     kinang
muling diwang ng Apo

Bato Bato sa Langit
ang tamaan, tinamaan:
mga nagbibingi-bingihan
mga nagbubulag-bulagan
mga nawalay sa daan

Bato Bato sa Langit
apaw ng salinlahing dugo
nadama, nadinig, naalala
pagsisi't galak na lubos

Bato Bato sa Langit
ang tamaan
     huwag sumuko
     huwag matakot
huwag magalit

Thursday, October 6, 2016

maya



pagmasdan ang maya
umuuwak sa halip na pumipit
sa paglipad, nadadapa
konting ambon at malulunod na

napapakamot ang mga nagmamasid
sa pagtalikod, pinagtatawanan

at siya di'y humahalaklak
lipad, huni, anumang pagkakamali
buo ang tuwa, lingas ang ngiti

ngayong malaya sa kinagisnan
rehas, bato, santo

nalimutan na ba ang pagkamulat sa hangin