Friday, April 10, 2020
Decolonize 30 for 30: Day 1 (Draft)
Decolonize30for30 Day One (Draft)
Sa anino ng bundok at talampas
sa gitna ng lambak o bangin
patad ng bato’y inuukit
sa bagong batis
mga hayop, pumapaligid
mga puno’t halama’y
pilit inaabot ang langit
sa tuwing napapalibutan ng mga gusali
kadalasan
napapatingala, humahanga
sa alaala ng nakaraan
maaaring kinabukasan
pinagbibigyan ang kathang isip ngayong tahimik
awit ng ibo’y nanunumbalik
habang ang karamiha’y nagtatago sa hindi nakikilalang sakit
napilitang pagpilian:
kawalan ng hanap buhay
o sakit na tatangay
eye of the storm
mata o gitna ng bagyo
kung saan nilalaga ang hinayang
bingit ng dambuhalang ipo-ipo’y pinagmamasdan
tinitimbang
mapipinsalang bagay
bagay bagay
tiyak o malamang
Ngunit sa loob ng pagong na ninakaw
nakatago ang kayamanan
kaya’t tanging inaalala
bunga ng upak ng puno at libangan
Sa kabilang ibayo, lupang naiwanan
Ang bagyo’y walang kinang
Lulunurin, aanudin
kaunting ariarian
munting kayaman
lahat, unti-unting tatangayin
bigas, bawat butil, bibilangin
Ngunit ito na din ang nakasanayan
sa bawat pagkasakop, bawat digmaan
bawat pangungulila, kawalanghiyaan, kahirapan
hinaharapan:
tiis, giting at damayan
Sisilang muli ang araw
sa kawalan nga kayaman
wala na din mananakawan
sa pagbangon, sana
panaginip
muling magkakilalan
#decolonize30for30 #cfbs #centerforbabaylanstudies
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment