Showing posts with label Tula. Show all posts
Showing posts with label Tula. Show all posts

Saturday, December 26, 2015

paru-paro (13.11.02)

     

sa palayan,
mga paru-parong
kulay putik

papaanong natandaan
ang paglipad



dalampasigan (13.12.01)

himig ng batis, sinundan sa baybay
lulusubin, hanggang ako'y nakasakay
nakitang nakadaong, mumunting balangay

paghanga sa lalim, sa galaw, na nitong taglay
paligid ilang, ang tuyo, nabigyan kulay
nagising, nabuo, namulat ng malay

pagdaloy, inawit ng tubig, nagbigay buhay
nabigyan lakas, nabigyan sigla, dating matamlay
agusan lumakas, sa pagbaling, pandiwang kumpay

Hindi nagmasid sa takot na matangay
Hindi umimik sa takot na matangay
Hindi kumibo sa takot na matangay

Tutungo't uupo muli sa dampang naghihintay
Panandalian o magpakailanman man mawalay
Sa pagsasayaw ng pinagisa- ilog- tanaw na nailay
Awit, aliw, alwan- tanglad, panghilom, sa lumbay

kabuuan (2013.10.xx)

Maykapal, patawarin kaming nakalimot sa ngalan
Muling dinggin aming tinig at panalangin
Sa pag-alala't pagtawag sa mga diwata, kami'y tulungan

Sa mga tala, namumugad sa kalawakan
Sa aming pakikiisa sa kapaligiran, gabayan
Na kami na kabilang ng marami, matandaan

Ang Ilaw, matagal nang natutulog sa kanluran
Muling bumangon at sumikat sa silangan
Nang kami'y muling mamulat sa kasarinlan

Liyab ng apoy, ngayo'y baga, napabayaan
Aming alay, pagkabuhay sa paghingang laman
Sa muling pagkagising, taglay na lakas, biyayaan

Tubig, ina ng dagat at ilog, tinatawagan
Sa pagbuhos ng ulan, dahan-dahan
Dalhin ang paghilom, sa kapwa, sa kalikasan

Kawayan, sinapupunan ng sining at kasaysayan
Kinakatawang balangay, kalinga sa daan
Kinakatawang barangay, sa pagbuo'y tibayan

Amihan, sa pagpapatulog sa habagat, tulungan
Bilang ibon, palayain sa ngayong kinakatawan
Puso at isip gawing pandiwang tanggapan

Bundok, pinag-isang apoy at lupa, kabilang
Sa muling pagtibok, ang abo, punlaan
Aming pagkatao'y muling maisilang

Binhi, taglay ay pagkakakilanlan
Aming tinitipon at pinangangalagaan
Nang ang bunga'y mai-ani ng kinabukasan




p/c Pi S-P

Thursday, December 24, 2015

bayanihan rising (14.01.12)

Habagat, kapatid ni Amihan
kinikilalang Saragangka Bagyo
kapatid, kinikilalang Mahuyokhuyokan
nila Maguayan at Kaptan- inapo

inaalala’t pinapasalamatan
unti-unting nauunawaan
ang hinanakit at daing
pagdala ng buhos ng Ulan

panghugas dungis, Ulan
pagbuhos, kalunudan
paalala, panawagan
ukol sa ating nakalimutan:

hagpis, bahagi ng tadhana
tanglad- galang sa paligid at kapwa
bayanihan, sa kapatid makiisa-
sa huli, kay Bathala ipaubaya

Bahala na

tambal himig (14.05.08)

kabila ng galak at tuwa
minsa'y sakit at kalungkutan
mga lihim, pangako, pangarap
walang kasalo, sarili lamang

sa mga kawayan ako'y
sa akap, halakhak, sinasamahan
ngunit, 'pag natadhana 'di kayang pasan

mga ibon sa aking huni nasisiyahan
ngunit sa daing, sa hiyaw, ulan
tuka, lipad- linulubayan

sa ilaw ako'y buwan
sa kasiyahan, salaming hinahalikan
ang kadiliman siyang tinatakbuhan

hindi na inaasahang sa daigdig
makahanap ng tambal himig

aawit sa mga ugat, pahayag sa kalagitnaan
aawit sa kalangitan, pagtapat sa kalawakan

ulop (15.04.28)


ulop ay naglaho
anino ng araw
nagpapakinang
sa buwan
binubunyag
napalibutang
tarik at taas

ang ilan
matatag
matulis
tigang

habang iba’y
saganang umaakit
tinatago
ngipin
hukay
bitag

napapalibutang lambak
anumang daan
hahantong
<uphill battle>

ito bang
init
nakakabalisa
ay alaala ng
nagliliyab na araw

lumalamig
umiinit
ng walang katapusan

o pahiwatig
ng higit na malalim

uupo
magdadasal
dumating
   ang anino ng daigdig
   ang mga gabay ng langit sa gabi
panahon
   bago muling sumalakay at manatili
   ang sumusugpong ulop

-mulaklak (14.04.29)



lubang
hangin
kalat
binhi
kalat
bulaklak
tabon
ugat
babaw
bunot
kalat

ugat
sumubok
ugat
magpakatapang
labanan
hamog
at
tagtuyot

ibon
dahon
bubuyog
hangin
yakap
halik
mamulaklak
mamulaklak
salo
hinga
talutot
kapit

at
sulyap
bituin
sulyap
mamulaklak
mamulaklak
mamulaklak
umaasa
hangin
dalhin
liwanag
ng
halimuyak
gaya
ng
pagdala
ng
liwanag
ng
halimuyak
bigyan
saysay
ang
hamog
ang
tagtuyot

at
talutot
hindi
muling
magkakapit
bisig
iwasan
ginaw
uhaw

kahit
na

kahit
na

pamumulaklak
tatangapin
yayakapin
ginaw
sa
baka sakali

sulyap

Saturday, December 12, 2015

habagat

tinig ay hindi marinig
dahil sa hiyaw ng hangin
ang bulong, bigkas,
      nalulunod ng sigaw
suklam, sakit, galit

mga tala, araw, buwan
tinatakpan
ng ulap na ubod ng lalim
dilim
nang hindi na nadadama
ang katabi, kasama
di napapansin
dagat
haplos ng hangin

sa pagkapigta, sa lamig
tubus na sidhi
sinasaid ang sarili
pinapaso
di pansin na katabi

sa gitna, sa bisig ng habagat
sa kung saan minsa'y
ng walang kamalay malay
inalon
na anyaya
na bitag

at ng hindi inaasahan
hiniling ngunit di inasahan
pagkalaya
araw
tala
amihan
panandalian

unti-unti muling
inaakit
binibihag
inaalon
binibitag
ng habagat

at bago ang lahat ay mahuli
muling babalikan
muling susundan
ang bahid ng mga kinawit
kanlura'y isisilang
    alaala
    kathang isip
    panaginip