mula sa kanya- bago
Bulaklak- bungang lulog
kayamanang alipato:
dalisay na pagdating
panandalian, nawalay
ng maibalik ang ningning
huling paalam, dalisay
kalinga ng bagwis
kalayuan, di naunawaan
pangamo sa hapis
walang hanggan, amihan
mga inalagaang palaban
siya din pala naging anito
bahaghari sa likuran
daloy: ngiti- mga alaala, natanto
taglay na yaman sa galak
kaya siya’y pinauna
mapalapad ang bitak
hanggang naiwan, makasama:
sa paglipad ng maya
sa tinig man mawawalay
sa pagbalik, umaga
tamis ng himig na hintay
ang batis, sa pagtuyo
basang lupa, palatandaan
pagmamahal at pagsuyo
alaala ng nakaraan
panatiliin sa isip
sa puso kailanman
ang tawa, ang awit
ukit sa araw at buwan
No comments:
Post a Comment