tinig ay hindi marinig
dahil sa hiyaw ng hangin
ang bulong, bigkas,
nalulunod ng sigaw
suklam, sakit, galit
mga tala, araw, buwan
tinatakpan
ng ulap na ubod ng lalim
dilim
nang hindi na nadadama
ang katabi, kasama
di napapansin
dagat
haplos ng hangin
sa pagkapigta, sa lamig
tubus na sidhi
sinasaid ang sarili
pinapaso
di pansin na katabi
sa gitna, sa bisig ng habagat
sa kung saan minsa'y
ng walang kamalay malay
inalon
na anyaya
na bitag
at ng hindi inaasahan
hiniling ngunit di inasahan
pagkalaya
araw
tala
amihan
panandalian
unti-unti muling
inaakit
binibihag
inaalon
binibitag
ng habagat
at bago ang lahat ay mahuli
muling babalikan
muling susundan
ang bahid ng mga kinawit
kanlura'y isisilang
alaala
kathang isip
panaginip
No comments:
Post a Comment