kabila ng galak at tuwa
minsa'y sakit at kalungkutan
mga lihim, pangako, pangarap
walang kasalo, sarili lamang
sa mga kawayan ako'y
sa akap, halakhak, sinasamahan
ngunit, 'pag natadhana 'di kayang pasan
mga ibon sa aking huni nasisiyahan
ngunit sa daing, sa hiyaw, ulan
tuka, lipad- linulubayan
sa ilaw ako'y buwan
sa kasiyahan, salaming hinahalikan
ang kadiliman siyang tinatakbuhan
hindi na inaasahang sa daigdig
makahanap ng tambal himig
aawit sa mga ugat, pahayag sa kalagitnaan
aawit sa kalangitan, pagtapat sa kalawakan
No comments:
Post a Comment